346

Sep 28, 2021 @ 12:51
By

Lacson: Ebidensya kulang para ikonek Duterte, Go sa Pharmally

Wala pa umanong ebidenisya na magkokonek kay Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go sa Pharmally Pharmaceutical Corporation, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“There is no connection that has been established so far, ano. Michael Yang is as far as we go right now, but not the President, not the Palace, and not even Senator Bong Go,” pahayag ni Lacson sa panayam sa ANC.

Kahit ang matatagal nang pagkakaibigan ni Duterte kay dating presidential economic adviser Michael Yang ay hindi sapat para isangkot ang presidente sa transaksyon na ginawa ng Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) sa Pharmally.

“Ang pinag-uusapan natin dito ay ano ang ebidensya and so far, talagang wala kaming hawak na ebidensya to link the President to Pharmally or even to Michael Yang, except na mayroong admission that they have been long friends even before he was a mayor,” ani Lacson.

“So for 20 years, but that is not enough to implicate the President or even think that the President had something to do with Pharmally supplying PS-DBM medical supplies,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi din ni Lacson na nakausap nila ni Senate President Vicente Sotto III si Pharmally director Linconn Ong, na kasalukuyang nakakulong Senado, at sinabing may sasabihin sa executive session.

Sabi ni Lacson, ibunyag ni Ong ang ilang mahahalagang impormasyon na may kinalaman sa pagkakasangkot ni Yang sa pagpondo sa Pharmally.

“When we were talking to him, he divulged very vital information which I’m not ready to share with you,” ani Lacson.

Nang tanungin kung may kinalaman ba ito sa pag-amin ni Pharmally incorporator Krizle Grace Mago na niloko ng kumpanya ang gobyerno, sinabi ni Lacson na may kinalaman ito kay Yang hinggil sa pagpopondo nito sa nasabing kompanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?