27
Lacson: Duterte nararapat maging ‘president for life’ kapag naresolba ang trapik, flight delay
By

Lacson: Duterte nararapat maging ‘president for life’ kapag naresolba ang trapik, flight delay

issa

Nararapat umanong maging “president for life” si Pangulong Rodrigo Duterte kapag natupad nito ang dalawang naipangako na maging limang minuto na lang ang biyahe mula Cubao at Makati at maalis ang mga flight delay sa NAIA.

“If PRRD delivers on just two promises he recently made: (1) to cut travel time from Cubao to Makati to 5 minutes within 6 months and; (2) to eliminate flight delays in NAIA within one month, for being superhuman, he deserves to be president for life,” tweet ni Lacson nitong Lunes.

Magugunitang sinabi ng Pangulo noong Sabado na magiging limang minuto na lang ang travel time mula Cubao patungong Makati.

Samantala, binisita naman ng Punong Ehekutibo ang Ninoy Aquino International Airport nitong Lunes matapos ang mga ulat ng flight delay.

Kinausap niya ang mga airline at airport official hinggil sa mga kanselasyon at pagka-delay ng mga flight at humingi ng paumanhin sa mga pasahero.

Nangako rin ito na hahanap ng remedyo para rito sa loob ng isang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?