ABANTE ping lacson kay castro
By

Lacson ‘di nagpatinag kay Castro: Dapat pala ang sinabi ko, dobleng kapal ng mukha

Sharing is caring!

Humingi si Senador Ping Lacson ng “pasensiya” sa mga kongresista na sinabihan niya ng makapal ang mukha dahil gigil sa pagpapalawig ng kanilang termino sa pamamagitan ng charter change o chacha.

Sa kaniyang Twitter account, sinabi ni Lacson na hindi niya pala dapat sinabi iyon dahil kulang pa.

Dapat daw pala ay sinabi niyang “doble ang kapal ng mukha” dahil ang gusto ay makansela na ang kasunod na eleksyon at gusto nilang magtagal sa puwesto.

Una nang sinabi ni Lacson noong Huwebes na walang delicadeza at makapal ang mukha ng mga konggresista na aminado na hihingi ng term exension kapag naamyendahan ang konstitusyon.

Iyon ay habang nasa transisyon ang gobyerno mula sa kasalukuyang unitary system tungong federalism.

Umalma rito si Congressman Fredinel Castro na nagsabing unparliamentary, inhuman, unprofessional at bad taste.

“Pasensya na kay Cong. Castro kung nasaktan siya sa sinabi ko na makakapal ang mukha ng mga hindi makapagpigil magsabi na gagamitin nila ang Charter Change para – 1) mapalawig ang termino nila at; 2) wala nang eleksyon,” sabi ni Lacson.

“Dapat pala ang sinabi ko, dobleng kapal ang mukha,” dagdag nito.

Sa pulong balitaan sa Senado, sinabi rin ni Lacson na parang manliligaw na gigil na gigil maka iskor ang mga konggresistang gusto ng term extension dahil hindi maitago ang personal interest sa chacha.

Iginiit ni Lacson na kung babaguhin nilang mga senador at konggresista ang Konstiusyon bilang constituent assembly, hindi sila dapat makinabang dito. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?