38

Dec 13, 2017 @ 9:36
By

Lacson, ‘di kuntento sa nabuong 2018 budget

Inamin ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson na hindi siya satisfied sa binuong 2018 National Budget makaraang hindi matugunan ang mga hinihiling niyang paglilinaw sa mga kinuwestiyon niyang bahagi ng pondo.

Sinabi ni Lacson na naibalik ang pinatatapyas niyang P50.7 bilyon na pondo para sa right of way at dagdag pang P18 bilyon sa iba pang proyekto at nadagdagan pa ng P11 bilyon.

“Ang usapan namin first bicam meeting, give us a copy of the small group bicam output and give me at least 24 hours. This was submitted to my office at 5:00 p.m. yesterday. And puro mga summary lang itong binigay at saka mga general provision. I need more details. So pinag-aaralan ko kanina. So nagtawag ng bicam, 1:30 sabi ko ‘di ako pupunta kasi ‘di acceptable ang sinubmit,” saad ni Lacson.

Iginiit ni lacson na nais niyang makita ang detalye ng ibinalik na pondo at dinagdag na pondo.

“Ano ang detalye? ‘Di lang na-restore, nadagdagan pa ng P11 bilyon. ‘Di ba nag-propose ako ng amendment nag-reduce ng P50.7 bilyon and another 18? Ang nangyari na-restore at nadagdagan ng 11. So I need to see the details. Saan napunta, kanino napunta kung sa congressman o senator, gusto ko makita. Wala naman o. It’s all summary,” paliwanag pa ni Lacson.

Aminado naman si Lacson na kahit hindi siya bumoto pabor sa budget ay hindi na niya mahahadlangan ang approval nito dahil nag-iisa siya.

“I cannot prevent the voting, I’m just one voice here, but I will make an issue. If I’m not satisfied with the explanation, I’ll vote against the ratification,” dagdag ni Lacson. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?