23

Aug 19, 2020 @ 13:46
By

Lacson: ‘Di deserve ng mga Pinoy ang korap na PhilHealth

“Filipinos don’t deserve a state health insurance that is so corrupt”.

Ito ang hinayag ni Senador Panfilo Lacson sa gitna ng alegasyon ng malawakang korapsyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

“The President’s trust and confidence notwithstanding, Filipinos don’t deserve a state health insurance that is so corrupt, made possible by officials entrusted with mandatory monthly deductions from hard-earned salaries of ordinary employees,” sabi ni Lacson sa kanyang Twitter account.

Hindi masyadong pinaliwag ito ni Lacson subalit para aniya ma-refresh ang memorya ng mga Filipino, muli niyang binalikan ang kanyang tweet noong nagdaang taon tungkol kay Health Secretary Francisco Duque III.

“Mr. President, your DOH Secretary/PhilHealth chairman was PhilHealth president in 2004 when P500M in OWWA funds was illegally used to buy PhilHealth cards bearing ex-PGMA’s picture with the acronym (Greater Medical Access) and GMA para sa Masa, Para sa lahat,” ani Lacson.

Ang OWWA ay tumutukoy sa Overseas Workers Welfare Administration habang ang ex-PGMA ay si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang naturang isyu ay muling naungkat sa pagdinig sa Senado noong Martes.

Sa testimonya ni PhilHealth Regional Vice President Dennis Adre sa Senado, sinabi nitong inutusan sila ni Duque noong 2004 na mamahagi ng limang milyong free insurance card nang lumamang ng limang milyong boto ang yumaong Fernando Poe Jr. sa presidential survey.

Sa nasabi ring pagdinig, tinukoy din ni dating PhilHealth anti-fraud officer Thorrsson Montes Keith si Duque na “godfather” ng diumano’y mafia sa PhilHealth na nagbulsa ng bilyong pisong pondo ng ahensiya.

Giniit naman ni Duque na malisyoso at walang basehan ang akusasyon ni Keith laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?