105

Mar 29, 2019 @ 14:20
By

Lacson: DDB dapat magsagawa ng survey para sa eksaktong datos sa iligal na droga

Hinimok ni Senador Panfilo Lacson ang Dangerous Drugs Board (DDB) na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng survey para matukoy ang eksaktong populasyon ng mga Pilipinong gumagamit ng droga at madetermina rin ang estado ng droga sa bansa.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas lumala pa ang drug problem sa bansa matapos ang sunod-sunod na paglusot ng bilyon-bilyong halaga ng shabu kamakailan lang.

Nasa 7-8 million ang estimated size ng drug using population ng administrasyong Duterte, mas mataas kumpara sa 1.3 million na figure noong 2016 sa kasagsagan ng paglunsad ng war on drugs.

“The Dangerous Drugs Board should immediately conduct [the survey] so that we could have accurate data on illegal drug. One measure to determine if the campaign is succeeding or failing, or if the situation is improving or worsening, is the number of users,” sabi ni Ping.

Sinabi pa ni Lacson na halos P70 million din ang inilaan ng Kongreso sa P3.7T pambansang badyet para lamang maisakatuparan ng DDB ang survey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?