55

Nov 23, 2021 @ 14:26
By

Lacson: Cocaine-user sa ‘blind item’ ni Duterte, patiktikan

Mas mainam umano kung pamaman-manan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabi nitong presidential candidate na diumano’y ‘cocaine-user’.

Sa panayam sa CNN Philippines, sinabi ni presidential aspirant Senador Panfilo Lacson na maaaring namang utusan ni Duterte ang Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency na magsagawa ng intelligence operation at magbuo ng sapat na impormasyon tungkol sa sinasabing drug-user na kandidato sa pagkapangulo sa eleksyon 2022.

“I don’t know gaano kalawak ‘yung access o gaano ka-accurate ‘yung information. But the better approach should have been to keep it under wraps and launch an intelligence operation, which could lead to a law enforcement operation,” sabi ni Lacson, dating hepe ng PNP bago naging senador.

“Eh di nahuli mo sana sa akto o kaya nahuli mo ‘yung pinagbibintangan mo instead of just telegraphing ‘yung possible action na gagawin ng gobyerno,” dagdag nito.

Dahil pinasaringan na umano ng pangulo, tiyak umanong mag-iingat na ang kandidatong inaakusahan nitong gumagamit ng iligal na droga.

“Ngayon, kung sino man ‘yung pinatutungkulan mag-iingat na ‘yun. Hindi ba?” ani Lacson.

“Assuming na totoo, pwede isipin ng presidential aspirant, ‘teka lie low muna ako, magtiis na munang hindi gumamit kasi mamaya bigla akong mahuli’ or anything to that effect,” sambit pa nito.

Noong Lunes, sumailalim na sa drug test na si Lacson at running mate nitong si Senate President Vicente Sotto III sa tanggapan ng PDEA sa Quezon City. Parehong nag-negatibo sa drugs sina Lacson at Sotto.

Noong nagdaang linggo, ibinunyag ni Duterte na may isang kandidato sa mataas na posisyon ang gumagamit ng cocaine at inilarawan pa niya itong mahinang lider. (Dindo Matining)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?