90

Oct 25, 2021 @ 19:49

Lacson cabinet may ‘KKK’ din

Walang puwang ang padrino system sa magiging opisyal na pamilya ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson sa sandaling mahalal ito sa 2022 elections.

Ayon kay Ashely Acedillo, spokesperson ng partido, tanging ang may kakayanan o competent na indibiduwal lamang ang ilalagay ni Lacson sa kanyang gabinete.

Tiniyak din nito na hindi magluluklok si Lacson ng mga retiradong pulis at sundalo dahil lamang sa mga naging kasamahan niya ang mga ito sa Philippine Military Academy at the Philippine National Police.

“One thing he made clear—and he (Lacson) has said this repeatedly—ang numero uno niyang batayan kung sino ang ilalagay niya sa isang posisyon ay ang kakayahan, kasama na diyan ang katapatan, at siyempre ang katapangan,” ayon kay Acedillo.

Ganito rin aniya ang kalidad na nakikita niya sa kanyang running mate na si Senate President Vicente Sotto III, at inaasahan na magiging batayan sa mga isasama niya sa kanyang gabinete, partikular na sa mga mabibigat na posisyon.

Paliwanag naman ni Acedillo, bukas si Lacson na makatrabaho ang mga highly qualified individual maging galing man ang mga ito sa civilian sector o sa militar, ang mahalaga ay makatulong ito sa pagresolba ng mga suliranin sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?