127
Lacson bumanat kay Bravo: Pag-ipit sa national budget, hindi ganti kay Arroyo
Mar 11, 2019 @ 15:55
By

Lacson bumanat kay Bravo: Pag-ipit sa national budget, hindi ganti kay Arroyo

Pinabulaanan ni Senador Panfilo Lacson ang naging banat sa kanya ni House Senior Deputy Minority Leader Anthony Bravo na sinabing ‘personal vendetta’ umano nito ang pang-iipit sa 2019 budget kontra kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kanyang press conference, sinabi ni Bravo na tila namemersonal si Lacson kontra kay Arroyo dahil hindi umano pipirmahan ang nakabinbing 2019 General Appropriations Act (GAA) dahil umano sa mga iligal na probisyon sa nasabing bill.

“The way I look at it in my own assessment, Senator Ping Lacson is holding the budget hostage because of his personal vendetta to our Speaker. He has not said anything good about the Speaker from the very start of her leadership as speaker,” ayon kay Bravo.

“I don’t have personal grudge or animosity with Senator Ping Lacson, but in my own analysis, I think the agenda here is clear, you don’t want the Speaker to be successful and her leadership as the Speaker,” aniya pa.

Sa Twitter account ni Lacson, tumugon naman ito at sinabing hindi ito tungkol kay GMA at ito aniya ay para sa kanyang personal na kampanya kontra pork barrel.

“Rep Bravo’s opinion reflects his attitude and real character. Unlike him, I am a forgiving person. I have forgiven all those who had wronged me. This is not about SGMA or any legislator. It is about my anti-pork crusade. More importantly, it is about the national budget,” ani ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?