171

Feb 25, 2020 @ 17:16
By

Lacson binira si Cayetano, Kamara: ‘Wag tulugan mga pending bill

Kinastigo ni Senador Panfilo Lacson ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamumuno ni Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa pag-upo sa mga panukalang nakabinbin sa Kamara.

Isa sa mga panukalang hindi naaaksyunan ng Kamara ang kontrobersiyal na franchise bill ng ABS-CBN Corporation na nakatakdang mapaso sa Mayo 4 ng taong ito.

“After all is said and heard, there is no changing the reality that the Supreme Court will decide if violations of the franchise law were committed and Congress has the power to grant or deny the franchise,” sabi ni Lacson sa kanyang Twitter post.

Ang tinutukoy ni Lacson ay ang pagdinig ng Senate committee on public services sa pagsunod ng ABS-CBN sa ‘terms and conditions’ ng kanilang prangkisa.

“But for the House to sit on pending bills reeks of abdication,” sabi ni Lacson na hindi dumalo sa pagdinig ng komite noong Lunes na pinangunahan ni Senadora Grace Poe.

Tinalakay din ng komite ang joint resolution na inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon para i-extend ang prangkisa ng network hanggang Disyembre 31, 2022 o habang nakabinbin ang franchise bill sa 18th Congress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?