275

Jan 23, 2021 @ 21:31

Lacson, Binay naalarma sa pinosasan, pinadapa, sinipang vendor sa Parañaque

Dalawang senador ang nagpahayag ng pag-aalala sa nangyaring marahas na clearing operations ng mga tauhan ng Parañaque Task Force (PTF).

Nakunan kasi ng video at nag-viral online ang ginawang pagposas, puwersahang pagpapadapa at pagsipa ng ilang miyembro ng PTF sa lalaking vendor matapos hindi ibigay ang kanyang kariton.

Sa isang tweet, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na dapat pinairal na lamang ng mga PTF member ang awa sa vendor, na maaaring sa kariton lamang umaasa ng ikabubuhay.

“Justice and the rule of law must prevail but there is nothing wrong if mercy may overrule justice. That poor vendor’s “kariton” may be his family’s only lifeline. I am doing something about this,” reaksyon ni Lacson sa viral video na ibinahagi kahapon ng DZMM Teleradyo.

Gayundin sa isang tweet sinabi ni Senadora Nancy Binay na dapat pinairal ang puso sa pagkakataon na iyon at imbes na saktan ay inunawa na lamang sana ang vendor at tinulungan.

“Even the strictest law has a heart in the right place. In these trying times, compassion & the desire to help those in need should be the moral compass. Imbes na saktan, unawain at tulungan na lang sana #karitonlessons #wagmosilangipagtulakan,” sey ni Binay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?