32

Aug 18, 2020 @ 13:13
By

Lacson binalaan si Morales: Maliligo kayo sa kaso!

Nagbigay ng babala si Senador Panfilo Lacson kay Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President Ricardo Morales at PhilHealth Senior Vice President for Fund Management Sector Renato Limsiaco Jr. na maaring tadtarin sila ng kaso kaugnay ng katiwalian sa ahensiya.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth, kinontra ni Lacson ang nauna nang pahayag ni Limsiaco na hindi niya alam na may obligasyon sa withholding tax agent sa paglabas ng pondo sa ilalim interim reimbursement mechanism (IRM).

“When I countered that advance payments are subject to withholding tax, he admitted that PhilHealth had in fact remitted P156 million to the BIR (Bureau of Internal Revenue) last August 3, and then claimed that he charged the amount to the Corporate Operational Budget of PhilHealth,” pahayag ni Lacson sa knayang opening statement.

“Then, he followed up with another lie – that he didn’t know that it was an obligation under the law that he had to withhold taxes. This was on August 11, Tuesday,” dagdag pa nito.

Nagpakita pa si Lacson ng memorandum na inisyu ni Morales at Limsiaco na nagsasaaad na nakapag-remit n ang ahensiya ng dalawang porsiyento ng expanded withholding tax sa BIR.

Ang memorandum ay may petsang Agosto 4 o apat na araw matapos itong pabulaanan ni Limsiaco sa komite.

Ayon pa kay Lacson, inutusan din ni Morales at Limsiaco ang mga regional vice president na mag-isyu ng BIR Form 2307 sa mga health care institution (HCI) na nakatanggap ng IRM advance payments.

“Ang BIR Form 2307 ay iniisyu bilang katibayan na nakapagbayad na ng expanded withholding taxes ang isang ospital para sa kanilang IRM advance payment na tinanggap,” sabi ni Lacson.

“Kung susundan natin ang argumento ni SVP Limsiaco na wala pang buwis na nakokolekta sa mga ospital, hindi ba bukod sa pagsisinungaling, inutusan pa nila ni Gen Morales ang mga RVPs na mag-commit ng krimeng Falsification of Public Documents?” dagdag nito.

“In our foregoing inquiry about PhilHealth’s IRM, it may be a truism that when there is smoke, there is fire,” sambit pa ni Lacson.

Dahil dito, nagbabala si Lacson sa mga opisyal ng Philippine na mahaharap sa iba’t ibang kaso batay sa irerekomenda ng Senado sa oras na matapos na ang ang imbestigasyon.

“Mr. Limsiaco, and probably PCEO Morales, I am sorry to say, being accountable officers of PhilHealth – bukod pa sa usapin ng pag-misappropriate ng kaban ng PhilHealth para bayaran ang withholding tax na maliwanag pa sa sikat ng araw ay kasong Malversation of Public Funds or Property,” sabi ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?