30

Jan 5, 2021 @ 10:36
By

Lacson: Bakit wala pang naaprubang bakuna?

Hindi pabor si Senador Panfilo Lacson sa pagtuon ng imbestigasyon ng Senado sa kontrobersiyal na maagang pagbabakuna ng Presidential Security Group (PSG) gamit ang hindi rehistradong coronavirus vaccine.

Sa halip, dapat aniyang nakapokus ang pagdinig sa kung bakit wala pang naaprubahang kahit isang bakuna para sa COVID-19 vaccine sa bansa.

“It is awful that the Senate hearing wants to focus on investigating the PSG personnel who allowed themselves to be inoculated instead of asking why we have no vaccines yet, unlike many other countries,” sabi ni Lacson sa kanyang tweet.

“Let’s ask again – who dropped the ball?” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat ipatawag sa pagdinig ng Senado si PSG chief, Brig. Gen. Jesus Durante III, para ipaliwanag ang maagang pagbakuna sa ilang miyembro ng mga security personnel ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagbabala naman si Duterte sa Kongreso na huwag ipatawag ang mga miyembro ng PSG sa anumang probe na may kinalaman sa immunization ng mga miyembro ng grupo.

Sabi ng pangulo, magkakaroon ng krisis sa pagitan ng lehislatura at ehekutibo kung ipapatawag ng Kongreso ang mga tauhan ng PSG.

Nilinaw naman ni Senate President Vicente Sotto III na nakutuon ang imbestigasyon ng Senado sa COVID-19 vaccination program at hindi sa PSG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?