39

Jan 11, 2022 @ 16:29
By

Lacson: Author ng Comelec hacking dapat ilantad

Dapat unang matukoy ang mga “author” sa napaulat na pag-hack sa server ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson nitong Martes kasabay ng pagsabing dapat gawin ng mga cyber-security expert ang lahat para matiyak ang integridad ng May 9 elections.

“The ‘Author’ of the alleged hacking coming out ASAP to show proof as promised should help the Comelec and DICT to confirm the same and find out the extent of the risk involved. Cyber security experts elsewhere must do their part to ensure the integrity of the May elections,” sabi ni Lacson sa Twitter.

Bagama’t ang Comelec at Department of Information and Communications Technology ang opisyal na makakapagkumpirma o magde-deny kung talagang nangyari ang pag-hack, sinabi ni Lacson na nagsasagawa na ang in-house Comelec-accredited cyber-security team ng kanilang imbestigasyon hinggil dito.

“Finding out who was/were responsible is already material information just to establish the motive and who will benefit from the alleged hacking. Meantime, we have to await the response of the author/s who said they will show proof to substantiate their hacking allegations,” ani Lacson.

Sabi pa ng standard bearer ng Partido Reporma, dapat ding linawin ng Comelec ang katotohanan sa hacking incident at ilabas ang katotohanan batay sa kanilang pagsisiyasat.

“More importantly, it should be open to letting experts and related stakeholders help strengthen the security system – including our cyber security experts and those of other aspirants. Only through transparency and accountability can we guarantee the integrity of the upcoming elections,” ayon kay Lacson.

“Our elections on May 9 could not have come at a more critical time. This is not just about the individual candidates, but about upholding our democracy which, if the hacking turns out to be true, is gravely being threatened,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?