51
Lacsina rumatsada, NU winalis ang UE
By ,

Lacsina rumatsada, NU winalis ang UE

Kulang sa tao. Pero hindi kulang sa puso.

Winalis ng National University (NU) Lady Bulldogs ang University of the East (UE) Lady Red Warriors sa tatlong set 25-19, 25-23, 25-19 Sabado, Pebrero 23, sa pagpapatuloy ng elimination round sa 81st UAAP women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Bumalikwas ang Lady Bulldogs mula sa 3-set defeat din laban naman sa Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws sa una nitong laban kamakailan.

Nanakmal para sa NU si Ivy Lacsina na humataw ng 18 points kabilang ang mga clutch point para pagpraktisan lang ang Lady Red Warriors.

“Well of course masaya kami, masaya, hindi ko ma-express. Alam naman natin ‘yung struggle namin as a team, sobra-sobrang challenge ‘yung nangyayari sa amin. Dito sa pagkapanalo namin, masaya kami sa nangyari,” sabi ni NU coach Norman Miguel.

Pasok na sa win-column ang NU bitbit ang 1-1 marka, na naglaro na wala si rookie Joyme Cagande na napunit ang left knee ligament.

“Hindi naman biro talaga ‘yung nangyari last game na ‘yung major key player mo (nawala) tapos mag-coconvert ka ng isang major position. Actually ‘yung one week na nga ‘yun talaga medyo kapos pa siya buti na lang magaling mag-adjust ‘yung players ko,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?