161

May 8, 2019 @ 16:55
By

Lacierda idinawit daw sa matrix dahil sa ‘liker’ ni Alejano

Minaliit lamang ni dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang diagram na inilabas ni Presidential Spokesman Salvador Panelo at tinawag itong “grade school matrix”.

Sa isang text message ni Lacierda sa mga mamamahayag sa Malacañang, sinabi nitong walang maipakitang ebidensiya ang grade school matrix.

Tila aniya nakadiskubre ng bagong teknolohiya ang Duterte administration na tinawag na “The Grade School Matrix” dahil ito na ang pangatlong inilabas na matrix para pabulaanan ang mga bintang laban sa kasalukuyang administrasyon.

“A Grade School Matrix does not an evidence make. This government seemed to have discovered a new technology called The Grade School Matrix as this is the third time this government employed a matrix to refute charges against them,” ani Lacierda.

Nabanggit aniya ang pangalan nito sa inilabas na diagram ng Malacañang dahil aktibo ito sa pag-like sa mga post sa Facebook ni Gary Alejano.

Sinabi ni Lacierda na kung ito ang naging basehan ng Duterte administration para idamay siya sa umano’y paninira kay Pangulong Rodrigo Duterte, malinaw na nawala na sa katinuan ang gobyernong ito.

“I understand that my name was linked because I am active liker of Gary Alejano’s posts on FB. If that is true, this government has all abandoned its sanity. It is also curious to note that Sec Panelo has distanced himself from the Grade School Matrix,” dagdag pa ni Lacierda.

Iginiit ni Lacierda na wala siyang kinalaman sa narco videos ni “Bikoy”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?