80

Dec 6, 2017 @ 22:08
By

Labu-labo sa 2 silya sa F4

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

4:15 pm – Foton vs Sta. Lucia

7:00 pm – Cignal vs Cocolife

Lumanding sa No. 4 ang Cignal matapos ang elimination round ng Chooks to Go-5th Philippine Superliga (PSL) Grand Prix.

Kaya ang kalaban nila sa quarterfinals ngayong alas-7 ng gabi sa FilOil Flying V Center sa San Juan City ay ang No. 5 na Cocolife.

Kinalos ng HD Spikers sa elims ang Asset Managers pero ayon kay Cignal head coach George Pascua, sila pa rin ang dehado sa laban.

“We may be coming in as fourth seed, but I think we are the underdogs here,” ani Pascua. “Everybody must step up and contribute because this match is something we can’t afford to lose.”

Kulang sa armas ang Cignal, hindi makakalaro ang kanilang malulupit na spikers na sina Jovelyn Gonzaga at Rachel Anne Daquis sa event na suportado ng Mikasa, Grand Sport, Senoh, Mueller, Island Rose, Cloudfone at UCPB Gen.

Nagka-injury ang dating Most Valuable Player awardee at national team member na si Gonzaga sa kanang tuhod habang nagka-dengue si Daquis.

Dalawang slot na lang sa semifinals ang pinaglalabanan matapos masikwat ng F2 Logistics at Petron noong Martes ang unang dalawa.

Pinagpag ng Cargo Movers at Blaze Spikers ang Iriga City at Generika-Ayala ayon sa pagkakasunod upang sumampa sa Final Four.

Samantala, makakatapat ng defending champion Foton ang Sta. Lucia sa alas-4:15 ng hapon. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?