161

Mar 15, 2018 @ 20:34
By

‘LaBoracay’ malabo sa Mayo – DOT

PINAYUHAN ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo ang mga nagbabalak ng magbakasyon sa Mayo 1 o Labor Day.

Aniya makakabuti na kalimutan na ngayon taon ang ‘LaBoracay’ dahil nasa ilalim na ng state of calamity ang pamosong isla.

Sinabi pa ni Teo na makakabuti kung hihintayin na muna ang abiso ng DENR ukol sa isinasagawang clean up drive sa Boracay.

Aniya minamadali naman na ang pagsasaayos ng nasalaulang isla dahil sa mga negosyo na hindi sumunod sa mga enviromental laws.

Binanggit ng kalihim ang Siargao, Camiguin at Samal bilang alternatibo sa Boracay sa mga nais samantalahin ang holiday sa buwan ng Mayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?