10

By

Labor Usec. Jacinto Paras, irereklamo ni Villarin sa Ombudsman

Sharing is caring!

Kahit kinasuhan na sa Quezon City Prosecutor’s Office, gusto pa ring i-reklamo ng grave misconduct ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin sa Office of the Ombudsman si Labor Undersecretary Jacinto “Jing” Paras dahil sa umano’y pagnanakaw ng kanyang cellphone.

Inihayag ni Villarin ang kanyang plano matapos dumalo sa preliminary investigation hearing sa kasong theft na inihain nito laban kay Paras.

“We will be filing a case with the Ombudsman over this incident. Basically a grave misconduct case because I think that this attitude, this juvenile act of a public official should not be allowed,” sabi ni Villarin.

“For me, filing a case with the Ombudsman would serve also some sort of a deterrent that other officials that are openly anti-opposition, even if they’re holding public office, should be made accountable,” dagdag ng kongresista.

Inakusahan ni Villarin si Paras na ninakaw umano ang kanyang iPhone X sa isa sa mga hearings sa Kamara noong Marso.

Hindi humarap si Paras sa preliminary investigation kanina dahil nasa opisyal na biyahe daw ito sa Switzerland, ayon sa kanyang abogado.

Nagkasundo naman ang magkabilang panig na maghain ng mosyon para hilingin sa Kamara na ilabas ang kopya ng CCTV footage sa nasabing insidente. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?