By

Labor situation sa bansa, tinutugunan na ng gobyerno – Roque

Sharing is caring!

Nagsisikap ang pamahalaan para matugunan at maresolba ang mga usaping may kinalaman sa paggawa sa bansa.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang tugon sa inilabas na pag-aaral ng IBON Foundation kung saan tumaas ang bilang ng part-time workers at underemployed.

Sinabi ni Roque na isa sa mga ginagawa ngayon ng Duterte administration ay mapalakas ang labor situation sa bansa.

Batay sa report ng IBON Foundation, mula sa 16.3% underemployment rate noong Enero 2017, tumaas ito ng 18% nitong Enero 2018, pinakamataas na naitala sa ilalim ng Duterte administration.

Umakyat naman ng 14.7 milyon ang mga part-time worker ngayong taon kumpara sa 13.4 milyon noong 2017.

Pero sa kabila nito sinabi ni Roque na bumawi naman ito sa employment rate o mga Pinoy na may trabaho ngayong Enero 2018 na 41.8 milyon kumpara sa 39.3 milyon noong Enero 2017.

“Government continues to address and improve the labor situation in the country.

“While the number of underemployed and part-time workers grew in January 2018 compared to the same period last year, it is noteworthy to mention that the number of employed persons increased to 41.8 million in January 2018 from 39.3 million in January 2017.

“Employment rate rose to 94.7% in January 2018 from January 2017’s 93.4%. Unemployment rate dropped to 5.3% in January 2018 from 6.6% in January 2017,” ani Roque.

Inaasahan namang magdadagdag ng trabaho para sa mga Filipino ang mga malalaking infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build program na ikinakasa na ng pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?