70

Oct 17, 2017 @ 14:26

Labor issues tatalakayin sa ASEAN dialogue

Bubuksan sa Huwebes, October 18, ang 8th ASEAN Regional Tripartite Social Dialogue kung saan pag-uusapan ang usapin sa paggawa at industriya.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang pagtitipon ay gagawin sa Century Park Hotel sa Malate, Maynila.

Tututok ang pagtitipon sa temang “Raising the Bar of Social Partnership in an Integrating ASEAN.”

Paliwanag ng DOLE, layunin ng aktibidad na magkaroon ng malawak na dayalogo kaugnay sa mga isyung may kinalaman sa paggawa at sa mga industriya.

Lalahok sa pagtitipon ang mga tripartite delegate mula sa mga myembrong estado ng ASEAN, at mga kinatawan mula sa grupo ng mga manggagawa at employer. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?