49

Dec 29, 2017 @ 15:29
By

Labor inspection report sa NCCC mall, ilabas -TUCP

Nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines sa Department of Labor and Employment na isapubliko ang ginawang labor inspection report sa nasunog na call center sa NCCC Mall sa Davao City.

Sinabi ni TUCP spokesman Alan Tanjusay napakahalaga na malaman ang nilalaman ng ulat para sa panawagan ng hustisya ng mga naulila ng 38 nasawi sa trahedya.

Paliwanag ni Tanjusay, nilalaman ng report ang resulta ng isinagawang onsite inspection ng Labor Law Compliance Officers sa call center.

Bukod aniya sa pagdetermina kung nasusunod ang wages and social protection benefits, may mandato din ang labor inspectors na alamin kung ligtas ba ang establisimiyento.

Banggit ni Tanjusay kasama na rito ang pagsunod sa Fire Safety Law kasama ang pagkakaroon ng mga fire fighting equipment, fire detection devices at kung walang harang sa mga fire exits. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?