501
Nanapak na kongresista, pwedeng masibak sa pwesto
By

Labor groups: Hindi sapat ang paghingi ng tawad, Probinsyano rep patalsikin!

Hinihiling ng mga grupo ng mga manggagawa ang pagbitiw ni Ang Probinsyano Rep. Alfred delos Santos matapos ang hindi katanggap-tanggap na inasal nito sa isang waiter.

Matatandaang humingi na ng tawad si Delos Santos sa panununtok nito kay Christian Kent Alejo, isang waiter, na ayon sa pamilya ng biktima ay hindi na magsasampa ng kaso laban sa bagong halal na kongresista.

Bagama’t may areglo nang naganap, ninanais pa rin ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na magsampa ng reklamo si Alejo laban kay Delos Santos.

Anila, handa sila na tulungan ang waiter sa pamamagitan ng pagbibigay ng ‘legal and political support’.

Ayon naman kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, kahit pa kongresista si Delos Santos, hindi ito makakalusot sa batas.

Aniya, “It is obvious that the lawmaker committed grave abuse and he should be made accountable for his actions. The congressman is not immune from criminal suit [for an act] which happened outside Congress. [He] can also be charged at the House ethics committee for unethical behavior.”

Inihalintulad naman ni Partido Manggagawa national chair Rene Magtubo ang panununtok ni Delos Santos sa isang manggagawa na maaaring makulong matapos nitong manapak ng isang customer.

“A student who punches his peer is liable to be expelled from school. A worker who hits a customer will definitely be terminated, and will probably be arrested and jailed. But Delos Santos is still walking free and engaging in verbal acrobatics to assuage public outrage,” aniya.

Dagdag pa ni Magtubo, walang karapatang umupo sa sa kongreso ang isang tao na nang-aabuso ng manggagawa.

Aniya, “We have a party list representative who attacks and abuses a lowly worker. Obviously, the party list system has to be overhauled if it is to be true to the constitutional mandate that it be a mechanism to give representation and voice to the marginalized.”

Tinawag naman ni Federation of Free Workers vice president Julius Cainglet na “barbaric” ang inasal ni Delos Santos at hindi ito “fit for the job” bilang isang mambabatas dahil dapat nirerespeto ng lahat ang mga trabahador.

Aniya, “No waiter, no worker deserves disrespect especially from an elected public official, a party list representative at that, who is expected to champion the cause of the marginalized.”

Ayon naman kay Sentro secretary general Josua Mata, inilalahad lamang ng pangyayari na maraming taong makapangyarihan ang mapang-abuso.

“This incident reveals how many people in power can be so abusive,” aniya.

Samantala, siniguro naman ni Ang Probinsyano spokesperson Joco Sabio nitong Huwebes na hindi sila mag-aatubiling i-suspend o tanggalin si Congressman Delos Santos kung mapatunayang hindi sinulsulan ang pag-atake nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?