134

By

Labor group nanawagan ng pagbibitiw ng Ang Probinsyano solon

Mariing sinabi ng Partido Manggagawa na dapat boluntaryong mag-resign bilang kongresista si Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred delos Santos kung totoong nagsisisi ito sa pananapak sa isang waiter sa Legazpi, Albay.

Anang national chairman ng grupo na si Rene Magtubo, dapat din umanong sibakin ng House Ethics Committee si Delos Santos.

“A student who punches his peer is liable to be expelled from school. A worker who hits a customer will definitely be terminated, and will probably be arrested and jailed. But Delos Santos is still walking free and engaging in verbal acrobatics to assuage the public outrage,” saad ni Magtubo sa isang pahayag.

Dapat din umanong i-overhaul ang partylist system sa bansa dahil mayroong partylist representative na nang-abuso ng isang manggagawa na dapat pa nga nitong pinoproteksyunan dahil bahagi ito ng kanyang mandato na maging kinatawan at boses ng marginalized sector.

Magugunitang binatikos si Delos Santos matapos mag-viral ang CCTV footage ng ginawa nitong pananapak sa waiter na si Christian Kent Alejo sa Biggs Diner sa Legazpi kamakailan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?