453

Apr 27, 2019 @ 15:16
By

Labor group naglabas ng matrix ng mga anti-worker

Ipinakita ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang isang matrix kung saan makikita ang mga personalidad na anti-worker umano.

Sa larawan makikita na sentro ng matrix si Pangulong Rodrigo Duterte habang nakapalibot sa kaniya sina Davao City Mayor Sara Duterte, Ronald dela Rosa, Ramon Lopez, dating Davao City vice mayor Paolo Duterte, Salvador Panelo at Benjamin Diokno.

Kasama rin dito sina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Sinabi ng KMU na ilang opisyal sa Palasyo ang nasa likod ng tinatawag nilang mga “anti-worker” at “anti-people” na mga polisiya sa gobyerno.

Binira rin ng grupo ang ilang opisyal sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines dahil sa umano’y human rights violations maging ang malalaking kumpanya na nag-eempleyo ng mga contractual employee.

Inilabas nila ang matrix ilang araw bago ang Labor Day sa Mayo 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?