pulis-protesta
By

Labor Day rallies babantayan ng human rights

Sharing is caring!

Para matiyak na walang karapatan ang malalabag sa mga ikakasang kilos-protesta bukas, magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng human rights teams.

Ang hakbang ay may kaugnayan sa paggunita sa Araw ng Paggawa.

Sinabi ni NCRPO Director Camilo Cascolan, ang human rights team ay bubuuin ng human rights officers mula sa Commission on Human Rights at Philippine National Police Human Rights Office.

Aniya, babantayan ng mga ito ang mga pulis na sasabak sa mga kilos-protesta ng mga militanteng grupo.

Sinabi pa nito na sakaling may mga mangyaring paglabag ay agad na makakatugon ang human rights teams.

Nabatid na may binuo nang mga Civilian Disturbance Management Units si Cascolan para bantayan ang mga magsasagawa ng mga kilos-protesta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?