439

Nov 9, 2017 @ 11:56

Labi ni Isabel Granada dumating na sa PHL

Dumating na kaninang umaga ang labi ni Isabel Granada sakay ng Philippine Airlines PR 685.

Ayon sa report ng Super Radyo dzBB, nasa cargo warehouse ng Phiilippine Airlines ang anak ni Isabel na si Hubert Thomas Jericho Granada Aguast partner nitong si Arnel Cowley na dumating ang labi nito.

Ang kanyang kabaong ay binalutan ng Philippine flag at binigyan ng military honors dahil isang enlisted airwoman sa Philippine Air Force ang aktres.

Itinakda ang public viewing kay Isabel bukas mula 10:00AM – 5:00PM sa Santuario de San Jose Parish, East Greenhills, Mandaluyong.

Sa hiwalay na report, napahagulhol naman si Cowley na dumating ang labi ng kanyang asawa matapos ibiyahe mula sa Doha, Qatar.

“We did things together, we traveled together…Now that she’s gone, I really don’t know what I’m going to do pero somehow I’m going to try to push through. She was a loving wife, a caring person. She’s always giving time to people and she’s just a people’s person. Very loving…” sabi ni Cowley sa mga reporters.

Nagpasalamat din si Cowley sa mga kaibigan ni Isabel na tumulong para maiuwi ang labi ng 41 anyos na aktres.

Bukod sa anak nitong si Hubert, naghintay din sa airport ang dating nitong asawa na si Geryk Genasky Aguas.

Si Granada na sumikat bilang child at teen star noong 1980s ay namatay dahil sa aneurysym noong Sabado ng gabi sa Doha.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?