24

Aug 4, 2021 @ 12:25
By

Labi ng tinodas na OFW sa UAE, naiuwi na sa Pilipinas

Naiuwi na sa bansa ang mga labi ng isang overseas Filipino worker (OFW) na natagpuang patay sa bahay ng kanyang amo sa United Arab Emirates.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, dumating nitong Lunes ang mga labi ni Maria Sigrid Sanchez Santos sa Clark International Airport sakay ng isang Emirates Airlines flight.

Hunyo 24 nang matagpuang wala ng buhay si Santos sa tinitirhan ng kanyang amo sa Sharjah City sa naturang bansa.

Samantala, kasalukuyang hindi pa natutukoy ang ikinamatay nito.

Anang Department of Foreign Affairs, nasa kustodiya na ng mga awtoridad sa UAE ang amo at talong kamag-anak nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,