2

Feb 7, 2021 @ 14:38
By

Labi na lumulutang sa Ilog Pasig, natagpuan

Iniimbestigahan na ng pulisya ang bangkay ng isang lalaki na namataang palutang-lutang sa Pasig River kagabi.

Sabi ng Manila Police District, isang bangkero ang nakakita ng labi lampas alas-7 ng gabi, Pebrero 6, sa parte ng ilog na sakop ng Sta. Ana, Manila.

Ang lalaki ay tantiyang 50 hanggang 60 taong gulang at may tangkad na 5’5″. Nakasuot siya ng asul na T-shirt at maong na pantalon.

Sinasabing tinali ng bangkero ang bangkay sa Sta. Ana Ferry Station saka dumulog sa otoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?