43
drugs
By

Labandera sa araw, tulak sa gabi, tiklo sa buy-bust

Sharing is caring!

Isang labandera na rumaraket din bilang drug pusher ang inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa isang buy-bust operation sa Tondo, Manila.

Ang suspek na kinilala sa alyas na “Anna” ay naaresto sa ikinasang anti-drug operation ng Jose Abad Santos-Station Drug Enforcement Unit sa bahay nito sa Telio St., Barangay 61 Lunes ng gabi.

Binentahan ng 42 anyos na suspek ng P300 halaga ng droga ang isa poseur-buyer dahilan para dakpin ito ng mga pulis.

Nakumpiska mula dito ang 5 sachet ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang labandera sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?