26

Oct 6, 2021 @ 18:04
By

Labanan ng mga Pinay: Choco Mucho dinaig Rebisco

Nagtagpo sa classification match ng Asian Women’s Club Volleyball Championship ang dalawang koponang pambato ng bansa kung saan nanaig ang Choco Mucho kontra Rebisco, 22-25, 25-17, 25-19, 25-17, ngayong Miyerkoles.

Matapos bumigay sa unang set, nag-init sina Kalei Mau, MJ Phillips at Deanna Wong upang maagaw ng Choco Mucho ang momentum sa second set at mula rito’y kinontrol na ang laban.

Angat ang Choco Mucho pagdating sa attack points kontra Rebisco, 53-45, habang pareho silang may 27 errors.

Dahil sa panalo, lalaban pang muli ang Choco Mucho kontra sa Zhetysu VC ng Kazakhstan para sa fifth place match.

Samantala, tapos na ang kampanya ng Rebisco at kulelat sa lahat ng sumali sa torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?