499

Aug 21, 2018 @ 21:31
By

‘Laban sign’ nabuhay sa paggunita sa pagkamatay ni Ninoy Aquino

Nagwakas sa pag-awit ng “Bayan Ko” ang paggunita sa ika-35 death anniversary ni dating senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City, at pagsigaw ng mga supporter ng “PNoy”.

Pinangunahan ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang misa para sa kanyang namayapang ama.

Dumalo sa nasabing paggunita sina Sen. Antonio Trillanes IV at Sen. Franklin Drilon at ilan pang personalidad.

Sa isang talumpati naman matapos ang homily, binigyang-diin ni Noynoy ang kahalagahan ng kontribusyon ng bawat Filipino sa mga isyu ng bansa ngayon.

“Noong nawala ho ang tatay natin marami hong tumayo at parang pinuno ‘yung mga papel na ginagampanan niya… Dito na may mga panibago na naman tayong hamon sa lipunan… ilagay lang po natin sa isip natin na hindi bahala si Pedro, si Juan o kung sino man sa pagliligtas sa atin,” saad pa ng dating pangulo.

Matapos ang kanyang talumpati, kinanta na ng mga tagasuporta ang awiting “Bayan Ko” at nag-hand sign na “L”, kilalang senyas ng Liberal Party.

Matatandaang ang “Bayan Ko ang ginamit ng mga nagprotesta noong rehimeng Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?