22

Mar 9, 2020 @ 21:32
By

Laban sa PSL sa Marso 10, sarado sa publiko

Maghihigpit na rin ang Philippine SuperLiga Grand Prix 2020 para sa gaganaping laban sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City, Martes dahil sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.

Nitong Lunes, inanunsyo na magiging closed-door ang dalawang matches na sisimulan ng Chery Tiggo Crossovers kontra PLDT Home Fibr Hitters ng alas-5 ng hapon.

Aaksyon naman sa second match ang Marinerang Pilipina Lady Skippers versus Generika-Ayala Lifesavers, alas-7 ng gabi.

Nitong weekend ay tinaas na ng Department of Health ang alert level ng COVID-19 bilang Code Red sub-level 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?