1,996

Feb 21, 2020 @ 22:43
By

Laban para sa franchise renewal ng ABS-CBN, laban ng mga Pinoy – Coco Martin

Hinangaan si “Ang Probinsyano” actor Coco Martin nang sumama sa isinagawang prayer rally sa labas ng ABS-CBN compound nitong Biyernes, Pebrero 21 para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Iginiit ang aktor na ang laban para sa franchise renewal ng ABS-CBN ay laban hindi lang ng mga empleyado at artistang gaya niya kundi ng mga Pilipino.

“Hindi ko hahayaan na isang araw magising na lang ako na ‘yung pinagkakautangan ko ng loob, ng maraming empleyado, na nagbibigay sa’min ng hanapbuhay para matupad ang aming mga pangarap ay mawala na lang nang bigla,” pahayag ni Coco.

“Kinakailangan naming ipakita ang aming suporta, hindi lang kami, hindi lang lahat ng nagtatrabaho sa ABS-CBN kundi ang lahat ng mga Pilipino kasi hindi natin dapat pigilan ang tao na makapagsalita. Kailangan na maging malaya pa rin tayo kung ano ang opinyon natin at saloobin natin. Kailangan mapanindigan natin at masabi natin kung ano ang nararamdaman natin tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating bansa,” sabi pa ng aktor.

Dahil sa kanyang powerful statement, sabi tuloy ng mga netizen, tulad ni Angel Locsin na “real life Darna”, si Coco raw ay “real life Cardo Dalisay”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?