1,860

Apr 4, 2020 @ 15:48
By

Laban o Bawi: Ligo Sardines vice president kumambyo

Matapos ang tila sunud-sunod na patama sa gobyerno, bigla ngayong kumambyo ang isa sa opisyal ng Ligo Sardines.

Kamakailan lang ay pumatok sa social media ang pagiging witty o pabibo ng Ligo Sardines brand matapos ang kanilang COVID-19 themed posts sa Facebook at Twitter.

Bumida sa mga netizen ang mga tila pambasag at `pambabara’ ng Ligo sardines ukol sa isyung special powers ni President Rodrigo Duterte.

Patama ng Ligo: No special powers needed.

Sumunod naman nilang nilabas ang Sriracha flavored Sardines na nagpapakita ng kabuuang ‘breakdown’ ng Nutrition facts na tila pasaring naman sa breakdown ng P200 billion cash tulong para sa mga pamilyang apektado ng ECQ.

Kasabay nito ay nagpahayag rin si Ligo vice president for production Mikko Tung sa kanyang Facebook page na dapat ay direkta sa mga ospital at NGO ang mga donasyon at wag umanong ipadaan sa mga ‘clowns’ na kumukuha ng credit mula sa private donation.

Dahil sa pag-aakala at ramdam na pang-aasar ng mga DDS ay rumesbak na ang mga ito.

Trending ngayon sa Twitter ang #boycottligosardines dahil sa anila’y ginagawang paninira sa administrasyon.

Agad naman bumuwelta si Tung at nilinaw na ang kanyang sinabi sa Facebook ay para lamang sa sarili niyang opinyon at hindi dapat mag-reflect sa kanyang kumpanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?