32

Dec 4, 2021 @ 16:57
By

Laban ni Ancajas nausad dahil sa Omicron variant

Maging ang darating na laban ni IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas ay naapektuhan ng pagkalat ng Omicron variant.

Ayon sa ulat, na-postpone ang unification bout ni Ancajas laban kay WBO super flyweight champion Kazuto Ioka, na nakatakda sanang ganapin sa Disyembre 31 sa Japan.

Ngunit dahil nagsara ang Japan sa pagpasok ng mga dayuhan, mauusad ang petsa ng naturang laban.

“Team Ancajas was looking forward to this historic fight against Ioka but understands there are bigger concerns than boxing in Japan and the world with the situation caused by the emergence of the latest variant. We remain committed to making this fight happen as soon as possible in Japan,” pahayag ni MP Promotions President Sean Gibbons.

Ang 29-anyos na si Ancajas ay may record na 33-1, 22 KOs, habang dala naman ni Ioka ang record na 27-2, 15 Kos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?