418

By

Laban ng Gilas vs Australia, nauwi sa rambol

Sharing is caring!

Nagkagulo sa bakbakan ng Gilas Pilipinas at Australia sa Philippine Arena sa Bocaue kagabi.

Sa 4:01 mark ng third quarter at milya na ang lamang ng Australians 79-48, pa-drive si RR Pogoy nang mabigwasan ng siko si Christopher Goulding na bumagsak.

Gumanti si Daniel Kickert, binigwasan din si Pogoy at nagkagulo na.

Pati sina Carl Bryan Cruz at Calvin Abueva na nasa bench, napasugod sa court.

Si NBA player Thon Maker, lumilipad ang paa ng 7-foot-1 frame na lahat ng makita ay sinusugod ng flying kick.

Si Jayson Castro, dinadamba ang mas matataas na Australians para bigwasan.

Si Andray Blatche na sumaklolo kay Pogoy, nabigyan din si Kickert.

Sa bandang huli, tumatakbong parang aso na nabahag ang buntot ni Kickert para makaiwas.

Pero si Nathan Sobey, nakorner sa likod ng basket ng Gilas at nalamog, nabato pa ng silya.

Umpisa pa lang ng window 3 match ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers ay mainit na, nagkakabalyahan. Si Goulding na instrument sa paglobo ng lamang ng Australians sa third, laging bumubusa ang bibig sa kata-trash talk.

Bago ang laban, mainit na ang athmosphere dahil sa pagtanggal ng mga Australyano kahapon ng mga sticker ng PLDT sa flooring ng Philippine Arena. Maging si Pangilinan mismo, naglabas ng himutok laban sa mga Australyano sa kanilang aksiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?