94

Nov 2, 2017 @ 23:30

LA doing well pagkatapos ng operasyon

Maganda ang recovery ni LA Tenorio pagkatapos isailalim sa operasyon ang kanyang kanang siko.

Pagkatapos ng tagumpay na pagdepensa ng Ginebra sa titulo ng Governors’ Cup nang kalusin ang Meralco sa Game 7 noong Oct. 27, sumailalim na agad sa operasyon si Tenorio.

Ang 33-year-old ve­teran point guard pa ang tinanghal na Cignal-PBA Press Corps Finals MVP matapos kumpletuhin ng Gin Kings ang 101-96 win laban sa Bolts sa Philippine Arena sa Bocaue.

Sinabi ni Tenorio na nararamdaman na niya ang pananakit ng kanang siko noong naglalaro pa siya sa Alaska.

Napadpad sa Ginebra si Tenorio noong 2012.

“So far the healing is doing well,” ani Tenorio na naka-bandage ang siko sa victory party ng Ginebra sa SMC head office noong Lunes, dalawang araw pagkatapos operahan.

Inaasahang maayos na ang operasyon bago sumiklab ang 43rd season ng PBA sa Dec. 17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?