89

Nov 11, 2021 @ 14:13
By

La Union reelectionist gov atras sa halalan

Binawi na La Union Governor Francisco ‘Pacoy’ Ortega III nitong Martes ang kanyang kandidatura para muling tumakbo sa kanyang posisyon, ayon sa ulat ng Commission on Elections (Comelec).

Ang kanyang anak umano na si Raphaela Veronica Ortega-David ang hahalili sa kanya bilang gubernatorial candidate.

Si David naman ay binawi ang kanyang nakahaing kandidatura bilang board member sa unang distrito ng La Union para mapalitan ang ama.

Wala pa namang anunsyo si Ortega kung ano ang kanyang susunod na hakbang.

Unang nanungkulan bilang gobernador ng lalawigan si Ortega noong 2016, kung saan sumunod siya sa ama na si Manuel Ortega, na naupo bilang punong lalawigan sa loob ng siyam na taon. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?