272

Dec 11, 2017 @ 10:45
By

La Trinidad namayagpag sa Benguet meet

Winagayway na naman ng La Trinidad ang puwersa upang muling tanghaling pangkalahatang kampeon sa ginanap noong Disyembre 4-8 na 2017 Benguet Provincial Sports Meet sa Benguet Sports Center at iba pang mga lugar.

Kumubra ang kabisera ng strawberry at ng nabanggit na lalawigan ng kabuuang 158 gold, 105 silver at 52 bronze medals, milyang iniwanan ang mga nakahanay sa podium na Itogon (40-36-44) at Buguias (21-16-29).

Lumikom ang mga pambatong estudyante sa sekondarya ng L’Trinidad ng 91-72-31 sa likod ng 28 golds sa swimming, 13 sa archery, 12 sa track and field, 10 sa taekwondo, walo sa wrestling at pito sa arnis.

Ang mga mag-aaral sa elementarya ng LT mga nakasikwat ng 67 golds, 33 silvers, at 20 bronzes. Ang 27 golds ay nasisid sa swimming, 13 ang naharbat sa gymnastics, at 12 ang nakopo mula sa taekwondo.

Malaking pag-angat ang pinakita ng mga atleta ng nasabing bayan tapos maka-290 medals noong isang taon sa likod ng 143 golds, 83 silvers at 64 bronzes.

Lumagak na pang-apat hanggang ika-14 ang Benguet State University (20-22-17), Mankayan, Tuba, Atok, Tublay, Bakun, Sablan, Kapangan, Kibungan, Kabayan at Bokod.

Sunod sa mga estudyanteng atleta ang 2018 Cordillera Administrative Region Athletic Association na pagkakaabalahan naman ng Abra at madalas dominahin ng Baguio City.

Makakatuos na ng Benguet players ang mga buhat sa Abra, Baguio, Benguet, Apayao, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province.

Popilian sa CARAA ang mga magiging pambato ng CAR sa 61st Palarong Pambansa 2018 sa Ilocos Sur. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?