124

By

LA Tenorio bagong Iron Man ng PBA

May idadagdag si LA Tenorio sa kanyang mahabang resume – bagong Iron Man ng PBA.

Naka-597 sunod na laro na ang The General ng Ginebra, nilagpasan ang dating record ni Alvin Patrimonio.

Nilista ni Tenorio ang 597th Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum laban pa sa Magnolia Hotshots.

Ginugol ni Patrimonio ang lahat ng 16 seasons niya sa Purefoods franchise mula nang maging direct hire noong 1988. Siya na ang team manager ng Hotshots ngayon.

Bago ang second half ng Manila Clasico, kinilala ng PBA ang tibay ni Tenorio. Kasama ni Commissioner Willie Marcial si Patrimonio na nagbigay-pugay sa bagong Iron Man.

Walang palya si Tenorio, 34, sa paglalaro sapul nang pumasok sa pros bilang fourth pick overall ng San Miguel Beer.

Bago nalipat sa Ginebra noong 2012, naglaro din ang 5-foot-9 guard sa Alaska ng apat na seasons mula 2008.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?