17

By

LA Santos pinangalanang 2017 New Male Recording Artist of the Year sa PMPC

Sharing is caring!

Sobra ang kaligayahan ng magaling na recording artist na si LA Santos nang mapanalunan niya ang 2017 New Male Recording Artist of the Year award.
Actually, tabla sila sa naturang kategorya ni Iñigo Pascual.
Nang tawagin ang pangalan ni LA bilang isa sa winners, pinasalamatan niya ang mga tumulong sa kanya at naging daan para makopo niya ang nasabing award para sa kanyang self-titled album sa Star Music.
Saad ng guwapitong singer, “First of all, gusto ko pong pasalamatan si Lord po, na ibinigay sa akin itong award na ito.
“Gusto ko rin pong pasalamatan ang Star Music family ko po, sina Kuya Jonathan, Kuya Rox po. And of course ang PMPC po, gusto ko pong pasalamatan po ang lahat…
“And of course ang taong parang I owe my all my heart, my mother po. Puwede bang palakpakan natin ang mother ko po?
“She’s not here with me po, pero I know, she’s proud of me po. Thank you.”
Ginanap sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila ang The 9th (2017) and 10th (2018) Star Awards For Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ang theme ay ‘A Decade Of OPM Excellence.’
Incidentally, after makasama ni LA si Sharon Cuneta sa concert ng Megastar recently, mapapanood muli si LA sa series of concerts na pinamagatang Soul Divas.
 
Tampok dito ang world renowned at Grammy award-winning singer na si Patti Austin at si Jaya. Gaganapin ito sa November 16, 2018 sa The Theater at Solaire, November 16, 2018 sa Sta. Rosa Sports Complex, at sa November 24, 2018 sa Dusit Thani Guam Resort Grand Ballroom.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?