41

Feb 24, 2018 @ 18:30
By

La Salle winalis ang UP sa UAAP men’s lawn tennis

Pumana ng magkahiwalay na panalo sa singles event sina Betto Orendain, LA Canizares at Kyle Parpan upang akbayan ang De La Salle sa 4-1 panalo kontra University of the Philippines sa men’s division ng UAAP Season 80 lawn tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tinaob ni Orendain si Kyle Joseph, 6-4, 6-0, kinalaos ni Canizares si Joshua Cano, 6-2, 7-6, habang nagwagi si Parpan kay Joel Atienza, 6-3, 6-1, upang kumpletuhin ng Green Tennister ang singles sweep.

Kasalo ng Taft-based squad DLSU sa second place ang Ateneo na pinagpag ang University of Santo Tomas, 3-2.

Parehong tangan ng Blue Eagles at Green Tennister ang 3-2 karta.

Pahirapan ang panalo nina Qoqo Allian at Jonah matapos payukuin ang duo nina Vincent Alanis at Auden Paduganan, 6-4, 6-4 sa first doubles para sa Green Tennisters.

Hindi nabokya ang Fighting Maroons, nanalo ang tandem nina Elijah Arevalo at Mimo Tomacruz laban kina Hans Asistio at Raphael Teng, 6-4, 7-6 sa second doubles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?