855

By

La Salle student natagpuang patay, posibleng ginahasa sa Batangas

Isang estudyante ng De La Salle Lipa ang nakitang wala nang buhay sa loob ng kaniyang tinutulugan sa Lipa City, Batangas, Biyernes ng hapon.

Ayon sa inisyal na ulat, binisita ng kaanak niya ang biktimang si Fidex Therese Maranan, 21, sa dormitoryo nito sa Lourdes St., Miracle Heights Subdivision sa Barangay Antipolo Del Norte.

Dakong alas-3:30 ng hapon umano ay nadiskubre ng kaanak ng biktima ang nakahandusay na katawan nito sa kuwarto na tinakpan ng kumot.

May sugat umano sa ulo si Maranan na maaaring mula sa matigas na bagay. Mayroon ding nakitang saksak sa kaniyang leeg.

Lumabas din umano sa inisyal na awtopsiya na ginahasa ito.

Samantala, nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang salarin at mapanagot sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?