78

Nov 29, 2017 @ 20:21

La Salle naghabol, nanalo, humirit ng rubbermatch kontra Ateneo

Mula sa 21 pagkabaon sa second quarter, buong giting na hinabol ng La Salle ang lamang para maitakas ang panalo sa Game 2 kontra Ateneo sa UAAP Season 80 men’s basketball Finals kanina sa Smart Araneta Coliseum.

Ang comeback win ng Green Archers kontra Blue Eagles ay nagtulak para sa deciding Game 3 sa Linggo sa Big Dome.

Mula sa 28-49 na kalamangan sa second quarter, nagpakawala ng 40-11 run ang La Salle para kunin ang kalamangan 68-59 bago mag-fourth quarter.

Nanlamig ang opensa ng Ateneo sa third period kung saan nakaiskor lang sila ng walong puntos.

Mula sa 56-47 na lamang ng Eagles, kumana si Ricci Rivero para itabla ang score sa 58 bago agawin ng Archers ang kalamangan, 60-58.

Muling umiskor si Rivero mula sa lay-up, 62-58 hanggang sa magtuloy-tuloy ang kalamangan at tuluyang iwanan ang Ateneo.

Pagkatapos tanggapin ang kanyang ikalawang sunod na season na MVP title, pinangunahan ni Ben Mbala ang La Salle sa hinarabas na 20 points, 16 rebounds at four blocks.

Maagang nasa foul trouble si Rivero, pero tumapos pa rin ito 18 points, five rebounds at four assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?