19
la-salle

La Salle, may twice-to-beat sa pagbura sa Adamson sa UAAP volley

Sharing is caring!

Laglag na sa semifinals ang Adamson matapos tigpasin ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers, 25-21, 25-15, 22-25, 25-18, ngayong Miyerkoles sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament.

Dahil sa panalo, nabigyan ng insentibo na twice-to-beat ang Lady Spikers, na makakasama sa Final 4 ang

Far Eastern University, Ateneo at National University.

Naiiwan ng Adamson sa 4th set, nag-rally ang La Salle mula sa pinakawalang anim na atake ni Kim Dy.

Matapos ang service error ni Michelle Cobb, patuloy na naihawla ng DLSU ang Lady Falcons sa pamamagitan ng puntos ni Desiree Cheng na nagsara sa laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?