57

Mar 22, 2020 @ 14:38
By

La Salle kinupkop ang mga palaboy dahil sa COVID-19

Pansamantalang nanunuluyan ngayon ang may 61 katao sa pasilidad ng De La Salle University (DLSU). Ito’y matapos na magpatupad nga ng Enhanced Community Quarantine sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Bukas palad namang pinatuloy ng DLSU ang mga ito. Maaari silang pumirmi muna sa Razon Sports Center ng unibersidad hanggang sa matapos ang lockdown.

Ang inisyatibong ito ay sa pakikipagtulungan din ng Divine Word Missionaries na nagsasagawa ng Kalinga Program.

Sa tulong nito ay nagkaroon ng ligtas, malinis, at komportableng matutuluyan ang mga indibiduwal na apektado ng displacement dulot ng lockdown sa buong Luzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?