108

Dec 28, 2017 @ 12:51

LA Revilla, tagumpay sa dating team na Kia

Nahimasmasan si LA Revilla matapos tulungan ang Phoenix Fuel Masters na makakuha ng unang panalo sa PBA Philippine Cup at biniktima ang dati niyang koponang Kia Picanto kagabi sa Ynares Center.

Naitala ni Revilla ang anim na puntos, limang assists at limang steals sa 22 minutong itinagal niya sa playing court para makuha ang 125-102 panalo kontra Picanto at mailista ng Phoenix sa 1-1 ang record sa team standings.

Ito ang unang pagkakataon na nakaharap ni Revilla ang dating team na Kia matapos siyang i-trade kapalit ni rookie Jayson Grimaldo at second-round draft pick sa kontrobersiyal na trade sa No. 1 overall pick sa Beermen.

Ramdam naman ng dating La Salle star na nasa tamang koponan na siya kasama ang teammates sa Fuel Masters na sina Matthew Wright, rookie Jason Perkins at veterans Jeff Chan at RJ Jazul.

“Feeling ko parang ang tagal na ng stay ko sa Phoenix pero come to think of it, parang 2-3 months pa lang,” aniya. “Everyday I’m looking forward to practice and getting to know my teammates, coaches and all the personnel.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?