By

LA Revilla fit sa sistema ni Coach Louie

Sharing is caring!

Isa mga bagong pasok sa Phoenix si LA Revilla­ pero handa na siya sa m­ga gustong ipagawa ni coach Louie Alas.

“Na-under kasi siya kay coach Franz (Puma­ren) sa La Salle kaya may apat na taong nasanay siya sa full-court press,” paliwanag ni Alas.

“May mga similarities kami ni coach Franz sa sistemang nira-run namin kaya I’m sure iyung mga defensive patterns namin madaling ma-pi-pick up ni Revilla.”

Dumating si Revilla sa Phoenix matapos i-trade ng Kia at isa siya sa mga makakatulong para punuan ang pagkawala ng mga dating Fuel Masters na sila Chico Lanete, Dylan Ababou, John Wilson at Michael Miranda.

Nauna na kay Revilla sina Jason Perkins, ang No. 4 overall pick ng Phoenix sa draft, at Justin Chua. Isa pang panggitna na lang ang hanap ni Alas para makunsi­derang panlaban na ang kanyang team.

“We need another medium big, an extra body,” ani Alas. “Alam naman nating mahirap i-contain iyung mga giants ng iba, like (Ginebra’s Greg) Slaughter and (San Miguel Beer’s June Mar) Fajardo, pero iyung makakatulong na pahirapan sila.” (Clarence Constantino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?