19

Sep 15, 2021 @ 14:46
By

La Niña nagbabadya

Nagbabadya ang pag-iral ng La Niña na nangangahulugang mas maraming ulan ang mararanasan sa bansa.

Ayon sa PAGASA, malaki ang tsansa na mamuo ang La Niña sa huling bahagi ng 2021.

May mas mataas ding posibilidad ng higit sa normal na kondisyon ng ulan sa maraming mga lugar.

“Based on the latest forecasts by most climate models and experts judgments, there is a 70-80% chance of La Niña forming in the last quarter of 2021 which may persist until the first quarter of 2022,” pahayag ni PAGASA Administrator Vicente Malano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,